Monday, July 25, 2011

sana

napakaikli parang kailan lang
napakabilis , nakakapanghinayang

pagkatapos nito ay muling lulumbay
muling didilim
mulit muliy iisipin bakit ngayon pa..

sana'y matagal pa 
sana'y tumigil ang oras
sana'y wala pang paalam
sana .... sana.....

kung kelan alam ko na
sagot sa mga tanong na iba iba
ngayon mawawala ka

kung kailan nagising at naghanap
kung kailan nasilayan at natuwa
kung kailan naging masaya at lumiwanag
kung kailan napalapit ka na.....

sana bukas...
nandiyan pa...
at di na mawawala..



No comments:

Post a Comment