Tuesday, July 26, 2011

buti pa siya

datiy sobrang saya..
walang isniisip, walang inaalala..
ok na basta nandyan ka.
sana, di na nag iba..

umalis, dumating..
oras ay nahimbing..
araw dumaan,
panahon lumipas din..

akala'y walang magbabago..
ngunit panaginip lang pala..
natakot, nangamba, buhay nag iba..
parang malamig na tubig,
dumapo sa aking daigdig..
dumating lang siya..

mga sagot mo ay di na mawari pa..
minsan prang wala na nga..
puro iwas na lang ba ang matatamasa?
buti pa sya siguro sobrang saya..

dati'y ok na, online ka sa umaga,
pahirapan magrequest pag gabi na..
datiy walang buhay ang aking araw,
dahil sa panig mo, tulog ka ..
nangarap na sana makausap ka
pag wala ka na sa opisina..
ngunit nasawi, akin naman kinaya..
ok lang masaya, naintindihan kita..

ngayon iba na..
dumating sya, bigla bigla
may broadband na pala..
mapaaraw at gabi online/offline na..
ok na sana at masaya, 
syempre ung pangarap ko sa buhay 
sa wakas natupad na..
pero ang lahat pla ay pra sa kanya..
naambunan lang ako ng katiting na grasya..
buti pa sya..

mahal naman kita ng sobra sobra..
ginagawa ko naman lahat ng aking makakaya..
muli't muli, kulang pa pala..
ano kaya meron sya?

tagal kong naghintay at umasa
maglalaho na ba bigla?
nararamdamang inalagaan san kaya mapupunta?

ilang araw na nakalipas..
napuyat na at lahat lahat..
sinubukang intindihin..
sinubukang limutin..
kahit ano aking gawin, sumasakit pag naaalala..
mga katanungang walang sagot..
mga bagay na nagpapakirot..

sana di na nag iba..
sana naging ako na lang sya....



No comments:

Post a Comment